Mga sangkap:
Hipong maliliit o may karaniwang laki
Suka
Asin
Pamintang durog
Bawang
Paraan ng pagluluto:
Paraan ng pagluluto:
Alisin ang sungot o balbas ng mga hipon at hugasan. Huwag babalatan. Timplahan ng asin, suka at pamintang durog. Samahan ng pinitpit na bawang, (kailangang matapang ang timpla nito ngunit di kailangang marami ang sabaw).
Pakuluan ng ilang sandali ang hipon sa sabaw, hanguin saka magpainit ng konting mantika sa kawali. Papulahin dito ang bawang na kasama sa pagpapakulo. Itabi ang bawang at iprito naman ang mga hipon. Tustahin nang bahagya. Ibalik ang konting sabaw nito at hayaang kumulo hanggang sa matuyuan ng sabaw.
April 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment