April 4, 2009

Chicken with Bean Sprout

Manok na may Toge
(Lutong Intsik)

Mga sangkap:

1 kilong toge
1 pitso ng manok (nilaga)
2 kutsarang toyo
1 kutsarang white wine
2 kutsarang arina
1 kutsarang cooking oil

Paraan ng pagluluto:

Lutuin ang toge sa kumukulong tubig sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin. Ilagay sa isang malaking bandeha pagkatapos.
Hiwain nang maliliit ang luto nang pitso ng manok. Iayos ang hiniwang ito sa ibabaw ng toge.
Paghaluin ang toyo, puting alak at arina. Pakuluan nang ilang saglit. Ibuhos ang pinakuluang ito sat ibabaw ng toge at manok. Ihain agad.

No comments:

Post a Comment